PISONet Online

Philippines First Pisonet Online Forum...

Log in

I forgot my password

Earn Bitcoin Today!
PISOPro Beta v2.5
PISOPro
Download PISOPro Here

You are not connected. Please login or register

[Need Advice] Sa tamang hatian sa kita ng pisonet

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

mitchanyah_28

hello guys, manghihingi lang po ako ng advice kung papano ba ang tamang hatian sa kita ng pisonet at sa bayaran ng mga bills. ganito po bale 4 kaming magkakaibigan na nagplano ng pisonet yung 1 smin sya may ari ng pwesto at kaming 3 ang maglalagay sa pwesto nya ng mga pisonet. 4 kami maghahati-hati sa bayaran ng internet ang plan namin ay 1600 tig 400 kami bawat 1 monthly, sa kuryente naman may submeter kami. weekly ang punta ko sa pwesto para magbukas ng coinbox. ang hatian po nmin 60/40 40% dun sa may pwesto sagot nya internet na 400 at elec bill bale sa 1 week 14-16kw ang konsumo ng kuryente sa 1 month humigit kumulang 1000 ang bills na binabayaran nya at ang kita naman na binibigay ko sa kanya 2500. feeling nya lugi sya sa hatian namin, kaya ang tanong ko po ano po ba dapat ang tamang hatian sa kita at bayaran ng bills. sana matulungan nyo po ako. salamat in advance.

mitchanyah_28

up ko lang po yung tanong ko, sana may magbigay ng advice.

chopper.bullet

avatar
Sir, share ko lang yung hatian namin. May Unit ako na walang internet... ang hatian 70/30, 30% sa may ari nang pwesto. Sa may internet naman, ang may ari nang pwesto ang magbabayad nang internet at kuryente yung hatian namin 60/40. Pag ganito hatian hindi na lugi yon....

AJCshop02

avatar
depende sa lugar...

usually 30/70 (30 sa puwesto / 70 sa may ari ng computer)

dto sa amin 35/65 ang bigay ko, 35 sa puwesto pero sila ang babayad sa kuryente, ako nman 65 sa akin pero sa akin ang internet bill at ang bibigay ako ng 50pesos per unit pang palubag loob sa mga pinag lagyan ko.

bulbulito bayagbag

avatar
mitchanyah_28 wrote:hello guys, manghihingi lang po ako ng advice kung papano ba ang tamang hatian sa kita ng pisonet at sa bayaran ng mga bills. ganito po bale 4 kaming magkakaibigan na nagplano ng pisonet yung 1 smin sya may ari ng pwesto at kaming 3 ang maglalagay sa pwesto nya ng mga pisonet. 4 kami maghahati-hati sa bayaran ng internet ang plan namin ay 1600 tig 400 kami bawat 1 monthly, sa kuryente naman may submeter kami. weekly ang punta ko sa pwesto para magbukas ng coinbox. ang hatian po nmin 60/40 40% dun sa may pwesto sagot nya internet na 400 at elec bill bale sa 1 week 14-16kw ang konsumo ng kuryente sa 1 month humigit kumulang 1000 ang bills na binabayaran nya at ang kita naman na binibigay ko sa kanya 2500. feeling nya lugi sya sa hatian namin, kaya ang tanong ko po ano po ba dapat ang tamang hatian sa kita at bayaran ng bills. sana matulungan nyo po ako. salamat in advance.

d n sya lugi dun kc halos wla nman syang puhunan n inalabas compare s inyong 3 n mamumuhunan ng more than 10k per unit! gnun tlg ang hatian ng iba, mdyo mataas p nga ang hati nya compare s inyong 3, s iba nga 70/30

mitchanyah_28

yun nga e, wala naman sya inilabas na puhunan lugi pa daw sya. pinull out ko na nga mga units ko kahapon lang kasi di na kami magkasundo sa hatian ang gusto nya mangyari ilalabas muna lahat ng bills saka hahatiin sa 60/40 kahit na daw 70/30 basta ilabas ko muna yung bayaran bago ko hatiin ang kita. tapos nagmamalaki pa dahil pwesto naman daw nya yun. sympre di ako pumayag kaya pull out ko na mga units ko. tsaka bukod pa dun dahil sya nagbabayad ng internet hinanapan ko sya ng mga resibo ng bills wala sya maipakita samin kaya nagtanong kami ng status ng account ng internet dun namin nalaman na hindi pala nya binayaran ng tama ung internet. hangang sa umabot na ng 5k mahigit yung bayaran samantalang nagbabayad kami ng tama sa kanya.

bulbulito bayagbag

avatar
mitchanyah_28 wrote:yun nga e, wala naman sya inilabas na puhunan lugi pa daw sya. pinull out ko na nga mga units ko kahapon lang kasi di na kami magkasundo sa hatian ang gusto nya mangyari ilalabas muna lahat ng bills saka hahatiin sa 60/40 kahit na daw 70/30 basta ilabas ko muna yung bayaran bago ko hatiin ang kita. tapos nagmamalaki pa dahil pwesto naman daw nya yun. sympre di ako pumayag kaya pull out ko na mga units ko. tsaka bukod pa dun dahil sya nagbabayad ng internet hinanapan ko sya ng mga resibo ng bills wala sya maipakita samin kaya nagtanong kami ng status ng account ng internet dun namin nalaman na hindi pala nya binayaran ng tama ung internet. hangang sa umabot na ng 5k mahigit yung bayaran samantalang nagbabayad kami ng tama sa kanya.

d pwede ung ganun na hatian na gus2 nya,ang gus2 nya pla mangyari bayaran muna ang mga bills tapos ang matira sa 100% un ang paghahatian nyo?! ang taba nman ng utak nya, may kasabihan nga tayo na "Ang Manlamang sa Kapwa ay Gawaing Tiba-Tiba"!XD tama lang ang desisyon mo, marami pa nmang ibang mapupuwestuhan dyan! tyaga-tyaga lng sa ganitong negosyo natin Very Happy

oo bro, ganun ang gusto nya mangyari kahit  daw 70/30 na lang sa hatian basta bayaran muna ang bills bago hatiin. ako naman ang lugi nun dahil wala naman syang inilabas na pera kaya pinull out ko na kesa malugi ako. yung mga pc ko may mapaglalagyan pa ako at kikita pa, yung pwesto nya kung walang ilalagay di kikita nakatengga lang. ang sabi ko pa nga sa kanya kung naliliitan sya sa share ko sa kanya ipunin na lang muna nya tapos bumili din sya ng pc nya pang pisonet para meron syang kita na sarili nya ng walang kahati tapos may makukuha pa syang share sakin para kumita sya ng malaki. di marunong magtyaga gusto agad malaking pera ang kitain nya wala naman syang inilabas na pera.

NetPolice

avatar
mitchanyah_28 wrote:hello guys, manghihingi lang po ako ng advice kung papano ba ang tamang hatian sa kita ng pisonet at sa bayaran ng mga bills. ganito po bale 4 kaming magkakaibigan na nagplano ng pisonet yung 1 smin sya may ari ng pwesto at kaming 3 ang maglalagay sa pwesto nya ng mga pisonet. 4 kami maghahati-hati sa bayaran ng internet ang plan namin ay 1600 tig 400 kami bawat 1 monthly, sa kuryente naman may submeter kami. weekly ang punta ko sa pwesto para magbukas ng coinbox. ang hatian po nmin 60/40 40% dun sa may pwesto sagot nya internet na 400 at elec bill bale sa 1 week 14-16kw ang konsumo ng kuryente sa 1 month humigit kumulang 1000 ang bills na binabayaran nya at ang kita naman na binibigay ko sa kanya 2500. feeling nya lugi sya sa hatian namin, kaya ang tanong ko po ano po ba dapat ang tamang hatian sa kita at bayaran ng bills. sana matulungan nyo po ako. salamat in advance.

magulo kasi naging usapan nyo sir, dapat kasi hindi nakikisalawsaw yung may pwesto sa hatiaan ng nyong 3 magkakaibigan...

30/70 or 35/65 yan tamang hatian... ang internet bill sa may arin ng mga units at ang electric bill nman ay bahala na may ari ng puwesto para wlang submeter pa na ilalagay at labas ang mga kanya kanyang gastos para hindi magulo sa hatian...

sample 35/65 ang hatian nyo kung naka 10k kayo ibibigay mo sa kanya ay 3500 ay syo ang 6500 bahala siya mag bayad ng kuryente at ikaw nman may ari ng mga unit ang bahala sa internet, maganda usapan at wlang magulong computation at hatian

kung sasabihin niya na lugi sya sabihin mo kahit 24/7 bukas ang isang unit 500pesos per unit lang ang konsumo sa kuryente ng computer at matuwa dapat siya kung malaki babayaran niya sa kuryente isa lang ibigsabihin nyan madaming nag laro sa pisonet nyo.

bale ganito po yun, kaming 3 magkakaibigan ang pinaghahatian lang po namin ay ang bayaran sa internet. kc 3 kaming my kanya kanya na pc na inilagay sa pwesto bale ang may ari po ng pwesto ang hinahatian namin ng kita.

magkakaiba kc kami ng terms sa hatian yung 1 kaibgan kc namin sagot nya ang bayad sa internet at konsumo ng kuryente ng pc nya ang binabayad nya sa may ari ng pwesto 500/pc malinis na yun sa may ari ng pwesto. ako naman at yung 1 kaibigan pa namin parehong 60/40. yung 1 kc ayaw nya mag 60/40 kc ang icp nya pag lumaki ang kita malaki din ang 40% kaya mas gusto nya na fixed sa 500 bawat pc ang bayad nya kumita man sya o hindi. dahil sa hati2 kaming apat kasama ang may ari ng pwesto sa bayaran ng internet ang binabayaran lang namin bawat 1 ay 400 internet monthly + konsumo ng kuryente ng mga pc yun ang pinapasagot ko sa may ari ng pwesto sa parte ng bayaran ko. lumalabas na ang expenses ko sa 1 buwan humigit kumulang 1k kung ako ang magbabayad nun pero dahil 60/40 kami sya ang pinasagot ko nung 1k kc d naman kalakasan ang pisonet kaya d ganun kalaki ang bill ng kuryente.

paduajohnmark

MGA SIR ASK KO LNG PO KUNG LUGI AKO D2 SA NAPAG KASUNDUAN NAMIN .
DUN PO SA MAY PWESTO AY MAY P20 SYA SA BAWAT P100 NA NAG PAPAPALIT SA KANYA.ANG SA AKIN LANG YUNG BILL SA INTERNET AT SA KURYENTE .

bulbulito bayagbag

avatar
paduajohnmark wrote:MGA SIR ASK KO LNG PO KUNG LUGI AKO D2 SA NAPAG KASUNDUAN NAMIN .
DUN PO SA MAY PWESTO AY MAY P20 SYA SA BAWAT P100 NA NAG PAPAPALIT SA KANYA.ANG SA AKIN LANG YUNG BILL SA INTERNET AT SA KURYENTE .

pki explain lng po ng maayos ung tanong nyo kung kayo po ba ang may-ari ng mga pc o nangungumisyon lng?

frankism

Sir, makisaw saw ako sa topic na to. May plano po ako mag set up ng piso net, bali 100% puhunan sa kin. Ang pwesto sa kaibigan ko at siya na rin ang mag mamanage (OFW po ako). Tama lang ba ang hatian na 70/30. Ang kuryente at internet po ay ibabawas muna naming, tsaka namin hatiian ang profit sa 70/30. Ok lang po ba to?

AJCshop02

avatar
^ok din yan sir pero pano mo malalaman ang babayaran sa kuryente? hindi kasi tulad ng internet yan na fixed ang presyo, kaya karamihan ang may ari ng puwesto ang nagbabayad nun at sa may ari ng pisonet ang internet.

if itutuloy mo ang ganyan style na hatian, tandaan mo ito pag bago units mo (latest na technology ngyon) nasa 80W lang pinaka mataas na kuryente nyan.

600pesos ang 24/7 na bukas yan meaning if 24/7 bukas yan sa 4min/piso = 10600 ang kita mo nyan

ang ibig kong sabihin mababalang konsomo ng pisonet at pag lumaki ang konsumo nun meaning dapat malaki din ang kita nyo.

mahirap kasi sa usapan nyo, at isa pa wla ka dyan, baka yung pisonet mo nasa loob ang laundry shop, ironing shop at aice plant eh talo ka dun hahaha baka dun lahat ikarga ang kuryente nun may welding shop at battery charging station pa. baka magkautan ka pa kesa sa kumita.

frankism

salamat, mas maganda ba 60/40 ibawas muna yung sa internet, tapos sa kanya na kuryente, wala ibang naka setup na business sa pwesto, yung lang pisonet

Sponsored content

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum